Archive for May, 2007

A Poem for ANGELO

Thursday, May 24th, 2007

I NEVER KNEW THAT THIS MOUNTAIN HAS A HILL;

MY ILLUSSIONS PUSHED ME TO GO DEEPER;

AND JUST WHEN AGAIN I WAS ABOUT TO BE FASCINATED BY THE FALLING OF AN ANGEL;

AND HOW AFRAID I AM TO DISCOVER ICE;

I REALIZED HOW NAKED TRUTH IS.

I REALIZED THAT THOSE EYES WERE REALLY NOT MEANT FOR ME.

I REALIZED THAT A SMILE MAY MEAN A MILLION OF REASONS,

BUT WILL SURELY THRILL SOMEONE’S NERVES.

AND

LIONS MAY NOT ALWAYS BE THAT STRONG;

THE SUN WILL NOT ALWAYS BE THE CENTER;

AND

EVEN THIS

ZION

IS A GODDESS.

ANG KALUNGKUTAN NI ISIS

Tuesday, May 15th, 2007

Sa ilog na nagiging bato ang anumang mahulog;

hayaan mong umagos ang pag-ibig na lubos.

Sa mga punong hindi kailanman yayabong;

yakapin mo ako katulad ng mga sanga nito.

Sa kalangitang nagbabadya ng ulan;

turuan mong lumipad ng maluwalhati ang diwa.

Sa mga bundok na walang pumapasok;

sabayan mo akong hanapin ang kapalaran.

Sa mga nanunuyo’t nalalantang bulaklak;

halikan mo ang nauuhaw kong puso.

At sa bawat pagsikat ng araw sa Silangan;

isayaw mo ko sa lumulubog na buwan.

SA MULING PAGKABUHAY (my 8-day silent retreat last day poem)

Thursday, May 10th, 2007

Ngayon na magtatapos

ang linggo ng pagkilala;

ang linggo ng walang hanggang pagkakakilanlan;

ang linggo ng mga dasal at dasal-dasalan;

ang linggo ng mga paos na salita;

ang linggo ng mga luhang ikinukulong sa simbahan;

ang linggo ng mga naglalakad na panalangin;

ang linggo ng lumang rosaryo;

ang linggo ng mga hikbi sa bawat gunita;

ang linggo ng nakabibinging katahimikan sa likod ng mga sigaw kay Kristo;

ang linggo ng inuulit-ulit Nyang kamatayan;

ang linggo ng pag-iisa ng dugo at tubig na patuloy na aagos sa mga kasalanan;

ang linggo ng mga nakakabaliw na pantas;

ang linggo ng mga natutulalang isip sa iba’t-ibang pangitain;

ang linggo ng mahihigpit na yakap sa imahinasyon;

ang linggo ng inuukit pa lang na pag-ibig;

ang linggo ng mga sumisibol na makata sa isipan;

at sa muling pagkabuhay magtatapos

ang linggo ng mga ‘di naisusulat na tula.

LOVE ALONE

Tuesday, May 1st, 2007

In this immense universe of emptiness,

I longed for a god to light the stars.

My soul fall into the abyss of desperate illusions,

And my tears drift through the ocean of loneliness.

If life is not a process but a cycle of infinity;

Why can’t two people meet again?

If love is immortal;

Why have yours fade?

You’re now like the clouds, so impossible to embrace;

Like the universe, I can only get to with my naked eyes;

Like the wind, I can’t control from leaving;

Like the horizon, I can never eliminate the distance.

Shower me with the meteors I have been waiting to fall,

Light up the stars so I can maintain my cycle,

Give back the hand that used to wake this soul,

And take away this envelope of sad aura.

Because this human burden is so great;

This earthly condition is too painful,

And I have just reached the unbearable extremes,

And can no longer stand to love alone.