si Inday sa mundo ng mga uwak
Sa makulay na payong
At sa hinabing bayong,
Diyan daw sya umusbong
At lumaki sa kangkong.
Ang pobre na si Inday
Laging dala ang suklay
Salaming hindi tunay
At pulbos ng mataray.
Daster na walang manggas
Tanging suot ng pantas,
Parisan pa ng medyas
Na bedeng butas-butas.
Araw-araw sa nayon
Si Inday naroroon
Upang sya ay magpasyon
Sa limos at donasyon.
Sadyang kahamak-hamak
Sa mundo ng mga uwak,
Ang taong walang hawak
Patuloy winawasak.